PEDRO. SABI NG NANAY KO. BRAD.
Ilan lang yan sa mga katagang tila kakabit na ng pangalan ngayon ni Yves Flores. Tunay na napakalaki ng naidulot sa pagganap niya bilang Pedro sa Top rated series ng ABS-CBN na Got to Believe.
BTS of Chichay while painting with Pedro as her model. |
December 30, 2013 noong opisyal na mag-debut sa naturang
palabas ang karakter niya bilang Pedro. Isang simpleng binata na namamasukan sa
Peryang pinaglipatan nila Chichay. Maangas at tila prangka sa kanyang
pagsasalita, dahilan upang madalas siyang tawagin ni Chichay bilang “Pakialamero.”
Lumaking ulila sa magulang ngunit kilala din sa madalas niyang pangangaral sa gabay
ng turo ng kanyang Nanay sa pamamagitan ng pagsabi ng “Sabi ng Nanay ko..”
“ Sabi ng Nanay ko, ang babae daw dapat di umiiyak. Kasi sa
bawat luha na tumutulo sa kanyang mata, may namamatay na bituin.. “
Noong una tila aso’t pusa kung magaway sina Pedro at
Chichay, ngunit di naglaon ay naging matalik na magkaibigan. Hindi maitanggi ni
Pedro ang pagkagusto niya kay Chichay na ilang beses niya ring binanggit rito
na sa kasamaang palad ay hindi masuklian ni Chichay dahil na rin sa pagmamahal
nito kay Joaquin. Magkaganun man ay naging nirespeto ito ni Pedro at patuloy na
umasang mamahalin rin siya ni Chichay pagdating ng tamang panahon.
Kabi-kabila ang pagsubok na dumating sa buhay ni Chichay
ganun din sa pamilya nito. At sa mga panahong iyon, naroon si Pedro sa tabi ni
Chichay, isang kaibigang nakahandang dumamay sa lahat ng pagkakataon lalong
lalo na ng maghiwalay sina Chichay at Joaquin.
Joaquin and Chichay Break Up Scene
Makalipas ang dalawang taon at dahil tila itinakda na rin ng
universe muling nagkita sina Chichay at Joaquin/Ryan. Kasabay nito ang muling
pagbabalik ng mga problemang dati ay kinaharap nina Chichay at ng kanyang
pamilya. Namalagi si Chichay sa Maynila para sa kanyang trabaho, na siya naming
sinundan ni Pedro at nakipagsapalaran sa Maynila.
Dahil laking probinsya, kabi-kabila rin ang pagsubok na
pinagdaanan ni Pedro. Nariyang namasukan siya bilang kargador sa palengke,
sinubukang mag-aral ng kursong Arkitektura gamit ang perang naipon niya,
mamalagi sa palengke dahil wala pang tirahang matutuluyan at minsan ay
kamuntikan ng mabiktima ng mga masasamang loob. Ngunit nakita pa rin kay Pedro
ang pagiging matapang at matatag dala na rin ng maaga niyang pagtayo sa
sariling mga paa dahil sa maagang pagkaulila sa magulang.
“Hindi ka uubra kay Pedro, pare.”
Best Brad Ever.
Lahat siguro tayo maghahangad ng kaibigang
gaya ni Pedro. Handang umunawa at dumamay lalong lalo na sa panahon ng mga
problema. Kaya siguro para kay Chichay at sa ating lahat si Pedro ang BEST BRAD
EVER.
Best Date Ever Pedro’s Version.
“ Bakit ko pa aantaying magbukas ang puso mo, kung kaya ko
rin naming ibigay sayo ang version ko ng best date ever.”
“Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako. Baka tibok ng
puso mo’y maging tibok ng puso mo. Sana nga’y mangyari yun kahit di pa lang
ngayon. Sana ay mapansin mo rin, pagdating ng panahon.”
" Sorry Brad..Sinubukan ko naman eh, pero si Joaquin pa rin ang tinitibok ng puso ko.. "
"Okay lang Chichay.. Sinubukan ko lang naman eh.. "
Hindi man nagtagumpay si Pedro sa puso ng minamahal niya,
hindi maitatanging nakuha naman niya ang puso at simpatiya ng mga manonood. Isa
siya sa mga kinagiliwang karakter sa Got to Believe na siguradong nagmarka sa
ating mga buhay.
"Good afternoon po,
Ako po si Yves Flores as Pedro po. Sobrang blessed po kami na nakatrabaho yung
KathNiel po and si Direk Cathy and sa mga kasama pa po. Galing po ako sa PBB na
mas kilala as Yves, ngayon po mas kilala na as Pedro."
-
-- Yves on GOT TO BELIEVE Finale Press Conference
Patience is a virtue. Those who waited patiently, deserves a
much awaited gift.
Marahil ito na ang pinamalaking turnout so far sa career ng
ating Yves Flores at labis kaming natutuwa para sayo Brad! Congratulations at
sana’y ito na ang simula ng katuparan ng mga pangarap mo! Hindi mo lang alam
kung gaano kami ka-proud for you lalo na sa napakalaking improvement mo! Andito
lang kami laging handing sumuporta sayo!
Taos puso po kaming nagpapasalamat sa buong cast at staff ng
GOT TO BELIEVE lalo na kay Direk Cathy! Maraming salamat po at ipinakilala niyo
sa telebisyon si PEDRO! Congratulations at siguradong mamimiss naming ang GOT
TO BELIEVE.
- Yves Army 26
Sana magkaroon ka pa ng teleserye na ikaw ang bida..
TumugonBurahinIdol ksi kita..
pEdro_oo8.